HALINAT ALAMIN ANG MGA FESTIVALS SA MARINDUQUE

Lingid sa kaalaman ng lahat na ang Marinduque ay may mga ginaganap na mga Festivals. Mga ibat – ibang uri nito at kung paano at saan ito ginaganap at syempre bakit ito ipinagdidiriwang. Ano- ano nga ba ang mga festival sa Marinduque.Marinduque-Bila-BIla-Festival5-300x225.jpg

Unang una aking mailalahad ang Bila bila Festival na  ginaganap sa bayan ng Boac, Marinduque. Ito ay ipinagdidiriwang isang beses lang sa isang taon sa araw ng Pista ng Boac. Ang festival na ito ay Bila- bila Festival. Magaganda at makukulay ang pagdidiriwang nito. Ito ang pangunahing pangunahing pinagkukunan ng mga tao ng hanapbuhay sapagkat sa pag- aalaga ng mga paru paro ay maaaring makatustos ng pag aaral. Kaya ang festival na ito ay maalaga sa mga taga Boac.

 

Gasang Gasang Festival, Gasan Marinduque - Steve Javier 2.png

Ang isa pang festival ay ang Gasang Gasang Festival na ipinagdidiriwang sa Gasan, Marinduque. Ito ay ginaganap tuwing Holy Week, Linggo ng Pagkabuhay o Easter Sunday. Sa pagdiriwang nito masaya at makulay ang pagsasagawa nito.

 

 

Marinduque Moriones Festival_Holy Week.jpg

   At ang sumunod na festival ay ang Moriones Festival.Ang Moriones ay isang taunang pista na ginaganap tuwing Mahal na Araw sa pulo ng Marinduque, Pilipinas. Sa Moriones, nakadamit at nakamaskara ang mga tao bilang mga sundalong Romano ayon sa nasaad sa Bibliya sa kuwento ng pagpapasakit ni Hesus. Naging inspirasyon ang Moriones or Moryonan para gumawa ng iba pang mga pista sa Pilipinas kung saan ang mga pang-kalinangang gawi ay nagiging pista sa lansangan. Hango ang salitang Moriones mula sa salakot noong ikalabing-anim at ikalabingpitong siglo na morion.Ang pistang ito ay sinasariwa ang buhay ni Longinus, isang senturyong Romano. Ang mga kaganapan ng pista ay nagsisimula ng Lunes Santo at nagtatapos ng Pasko ng Pagkabuhay.

CREDITS: https://tl.wikipedia.org/wiki/Pista_ng_M